Friday, February 28, 2020

Pasasalamat sa Guro
By: Missy Busque

           Ang pasasalamat ay para sa inyong kabutihan na handog ay karunungan sa amin at binibigyan ng karapatang matuto at mabigyan maayos na karunungan. Kaya kami ay sobrang nagpapasalamat dahil nagkaroon kami ng katulad ninyo. Mga taong handang maglingkod at magbigay gabay sa bawat estudyanteng tinutularan.
          Ang guro ang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga estudyanteng. Taga payo sa mga estudyante na may mga problemang hindi kayang solusyonan. Sila ang taga gabay at handang pangalagaan ang bawat sikreto na ibinabahagi natin. Ang mga guro ay ating kaakibat na dala ay kasiyahan at kabutihan. Maraming maraming salamat sa pagtuturo sa amin na kailangan naming matutunan at sa pag bibigay ng halaga at pansin. Sila ang mga taong nais kong tularan sa bawat pangarap ko sa buhay, na nais ko ring mag handog ng kaalaman sa bawat batang aking makikita na walang kamuwang-muwang. At kagaya nila gusto ko ning magsakripisyo at mag-buhos ng oras sa mga taong nangangarap na makapagtapos.
          Kaya sa aming mga guro, maraming salamat sa sakripisyo at tiyaga ninyong magturo para magkaroon kami ng kaalaman sa bawat nangyayari sa mundo at mga bagay na kailangang matutunan. Mga mabuting tao na handang maglingkod sa bayan. Gumagawa ng paraan para lang mapasaya kami at pinupursige kaming gawin ang lahat na makakaya namin. Sila ang nagiging tulay upang maabot namin ang aming mga pangarap. Hindi ako makaka-abot dito ngayon, kung wala ang tulong ninyo. Kaya isang salita lang ang aming maibibigay sa inyo, na lubos naming ipagmamalaki, maraming maraming salamat.



1 comment: